CENTRAL MINDANAO- Nasa 104 na pamilya mula sa Purok 3 at 73 mula sa purok 4 ng Brgy. Ilomavis o kabuuang 177 pamilya ang tumanggap ng housing units sa relocation site na ipinatayo ng Kidapawan City LGU sa tulong ng National Housing Authority o NHA para sa mga nasalanta ng nakaraang malalakas na lindol na tumama sa lungsod noong Oktubre 2019.
Ang naturang proyekto ay sinimulan noong December 2019 o halos dalawang buwan lamang makalipas ang nabanggit na kalamidad.
Abot na sa 551 housing units ang naipatayo sa nasabing relocation site kung saan ilang turn over na rin ang ginanap sa nakalipas na mga buwan.
Bukod naman sa bagong bahay na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P270,000 bawat unit, ang mga benepisyaryo ng proyekto ay nakatanggap din ng tig-iisang unit ng Collapsible Water Carrier with water purification tablet- foldable gallon, Sleeping kits (2 pcs. Blanket, 1 pc. Mosquito net, 1 pc. Plastic mat, 1 pc. Malong), at Food Packs (5kg rice, canned goods and coffee).
Dumalo sa turn-over sina Brgy. Chairman Jimmy Mantawil, kasama sina Brgy. Kagawad Melvin Umpong, Brgy. Kagawad Mario Ayag, Jerry Ciao, Gen. Manager of Relocation; Manobo Apao Descendants Ancestral Domain of Mt. Apo (MADADMA) council of elders Randy Iyong , Emy Espinoza ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), mga kinatawan mula sa National Housing Authority (NHA) sa pangunguna ni Engr. Karim Anta, Jr., Engr. John Andres Sanchez mula sa NBCDC, at City Planning and Development Office.