Aabot sa kabuuang 17,784 na tauhan mula sa mga law enforcement agencies ang naka-deploy na para masiguro ang katahimikan at katiwasayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Bicol region sa Lunes, Oktubre 30.
Ayon kay Police Lt. Col. Malu Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office-5, ang Armed Forces of the Philippines ay nagdeploy na ng 5,000 sundalo nito, Philippine Coast Guard -Bicol, 550 personnel; Bureau of Fire Protection -Bicol, 2,234, and the PRO-5, 10,000 policemen.
Una nang inilagay ang 23 barangay sa Bicol sa red category ito ang mga lugar na nasa pangangasiwa ng Commission on Elections.
Paliwanag ni Calubaquib, ito ay may mga history na ng mga election-related incidents, at presensya ng partisan armed groups.
Ang Albay ay mayroong 17 barangay na nasa ilalim ng red category at ang Masbate ay may anim na barangay sa parehong kategorya.
Ang bayan ng Daraga ay may walong barangay sa red category, isa sa Legazpi City, at walo sa Libon.
Dalawa ang Aroroy sa Masbate, isa sa Baleno, isa sa Masbate City, isa sa Placer, at isa sa Uson.
Sinabi ni Calubaquib na ang Bicol ay mayroong 299 na barangay sa ilalim ng kategoryang “orange” – 33 sa Albay, 55 sa Camarines Norte, at 205 sa Masbate.
Aniya “ang mga lugar sa ilalim ng orange na kategorya ay ang may mga serious armed threats,”
Samantala, ang Bicol ay mayroong 75 barangay na nasa ilalim ng kategoryang “yellow” – 46 sa Albay, 27 sa Masbate, at dalawa sa Sorsogon.
Ang yellow category naman ay ang mga may history ng election-related incidents noong nakaraang halalan, possible employment of partisan armed groups, at pagkakaroon ng politically motivated election-related cases.
Ang natitirang 3,471 barangay sa Bicol ay nasa ilalim ng kategoryang “green
Ito ang mga lugar na walang dapat ipag-alala sa seguridad at sa pangkalahatan ay maayos at mapayapa,