-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 178 na aftershocks matapos ang naranasang 5.0 magnitude na lindol sa Ilocos Sur.

Matatandaang naitala ang main quake noong Disyembre 19, 2024.

Sa naturang bilang, 62 sa mga ito ang plotted o na-detect ng dalawa o tatlong seismic stations.

Pero dalawa lang sa mga ito ang naramdaman ng mga residente sa lugar, lalo’t offshore o nasa dagat ang epicenter nito.

Ang aftershocks ay may lakas mula 1.8 – 4.6 magnitude.

May lalim naman itong 1 – 80 km.

Pinapayuhan ng mga eksperto ang publiko na maging alerto dahil maaari pang masundan ang nasabing mga pagyanig.