-- Advertisements --
Susunugin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga depektibong balota para sa eleksyon na gaganapin sa taong ito.
Sinabi ni Commissioner George Garcia na nakatakdang sunugin ang nasa 178,000 na depektibong balota sa harap mismo ng miyembro ng media, kinatawan ng mga political parties, kandidato, at citizen’s arm.
Habang nasa 320,000 na mga balota pa rin ang isailalim pa sa verification ng Komisyon.
Magugunita na noong nakarang linggo ay ipinahayag na ng Comelec na natapos na nito ang pag i-imprenta ng 67.4 million ballots para sa May 9 national and local elections.