-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagbigay na ng “go signal” ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) Maguindanao na pwede nang ituloy ang pagsasanay ng 178 na aplikante ng PNP-BARMM.
Ito ang kinumpirma ni IPHO-MAGUINDANAO chief Dra. Elizabeth Samama.
Sinabi ni Samama na “clinically recovered” ang naturang mga aplikante matapos makumpleto ang 14-day mandatory quarantine.
Bunsod ng insidente, bumuo ng monitoring group ang Ministry of Health (BARMM), IPHO-Maguindanao, rural health unit ng Parang, Maguindanao at ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) upang mas masiguro ang pagpapatupad ng health at safety protocols at mapigilan ang paglaganap ng virus sa panahon ng police recruitment process sa rehiyon.