CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 178 Police Trainees sa Police Regional Office (PRO) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19)
Ito mismo ang kinumpirma ni Integrated Provincial Health Office (IPHO-Maguindanao) Officer Dra Elizabeth Samama.
Kinunan ng swab test ang 196 Police Trainees at lumabas sa RTC-PCR Test na 178 ang dinapuan ng Covid 19.
Sinabi ni Dra Samama na agad isinailalim sa “ Lockdown “ ang Notre Dame of Parang sa Parang Maguindanao kung saan naka isolate ang mga Police Trainees ng PRO- BARMM at nasa maayos itong kondisyon.
Isinailalim sa Swab test ang Police Trainees dahil isa ito sa mga Pangangailangan bago makapag tapos sa pagsasanay.
Nagsasagawa na ngayon ng Imbestigasyon ang IPHO Maguindanao sa history of exposure at travel history ng Police Trainees na nagpositibo sa COVID – 19.
Sa ngayon ay umakyat na sa 469 ang Confirmed COVID – 19 cases sa Maguindanao.