Ibinasura ng judge ang $18.9 million na settlement misconduct case laban kay Hollywood producer Harvey Weinstein.
Ang nasabing halaga aniya ay pambayad sana sa ilang mga kababaihang biktima ni Weinstein.
Tinawag ng mga acusers na isang unfair ang nasabing hakbang dahil hindi lamang dapat si Weinstein ang pagbayarin at sa halip ay kasama ang kumpanya nito.
Sa isinagawang 20-minutong phone hearing, sinabi ni District Judge Alvin Hellerstein na ang pagbibigay ng bayad ay isang uri ng pambabastos sa mga biktima.
Magugunitang noong Hunyo 30 ay inanunsyo ng New York Attorney General’s Office ang settlement para maresolba ang kasong inihain noong 2018 laban kay Weinstein, kasama ang kaniyang production company at kapatid.
Ang nasabing settlement ay kailangang ng aprubal mula sa federal judge at bankruptcy court.
Noong Pebrero ay na-convict sa New York City si Weinstein dahil sa third-degree rape at first degree criminal sexual act bago ito tuluyang hinatulan ng 23 taon na pagkakakulong.