-- Advertisements --
Hindi maipaliwanag ni João Fonseca matapos na makamit ang unang ATP Tour Title sa Argentina Open.
Ang 18-anyos na Brazillian tennis player ay pang-10 sa pinakabatang manlalaro na nagwagi ng ATP Tour Title.
Tinalo nito si Francisco Cerundolo ng Argentina sa score na 6-4, 7-6(1) sa laro na ginanap sa Buenos Aires.
Tinagurian din siya ang pangalawang pinakabatang South American na nagwagi ng titulo sa Open Era kasunod ni Guillermo Perez Roldan ng Argentina noong 1987.
Sinabi nito na hindi siya makapaniwala sa naging tagumpay niya dahil ang kaniyang pangarap lamang ay maglaro ng tennis.