-- Advertisements --

Makakasama ng bilyonaryong si Jeff Bezos ang isang 18-anyos na lalaki sa pagpunta nito sa kalawakan sa darating na Hulyo 20.

Si Oliver Daeman ang itinuturing na pinakabatang makakarating sa kalawakan sa kasaysayan.

Siya ang pumalit sa hindi na nakilalang nanalong bidder ng public auction.

Hindi na makakasama sa paglipad ang nanalong bidder dahil sa problema sa scheduling.

Ang teenager ay anak ni Somerset Capital Partners CEO Joes Daemen.

Sa ikalawang flight pa sana ang paglipad ni Daeman at dahil sa umatras ang nanalong bidder kaya makakasama na ito sa unang flight.

Bukod kay Bezos ay makakasama nito ang 82-anyos na si Wlly Funk na magiging pinakamatandang tao na lilipad sa kalawakan at ang kapatid ni Bezos na si Mark.

Hindi naman binanggit ng kumpanyang Blue Origin kung magkano ang halaga ng ticket ni Daemen.