-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki matapos magpakamatay sa Brgy. Pila, Laoag City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, ang biktima ay 18-anyos at isang estudyante.

Ayon sa PNP Laoag, matapos kumain ng hapunan ang pamilya ng biktima ay napagsabihan itong maghugas ng pinagkainan at agad nagtungo sa kanyang kwarto ng matapos ito.

Sa pagtungo ng kanyang kapatid sa kwarto at nakita na lamang na nakahandusay ang biktima na naliligo sa sa kanyang sariling dugo.

Sa pagresponde ng mga otoridad, narekobre ang isang cal. 9mm na baril at naglalaman ng bala, dalawang cal. 45, isang magazine ng cal. 45 at may pitong bala kasama ang isang kapsula ng bala ng 9mm na baril.

Samantala, sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo, naggaling ang biktima at ang kanyang pamilya sa isang kainan at lumalabas na naitapon nito ang isang klase ng pagkain sa kanilang sasakyan at umano’y napagalitan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.