-- Advertisements --
Tinanghal bilang pinakabatang chess world champion ang 18-anyos na si Gukesh Dommaraju mula India.
Ito ay matapos na talunin nito si Ding Liren 7.5-6.5 sa best of 14 final na ginanap sa Singapore.
Sa huling laro ay nagtabla pa sina Gukesh at ang defending champion na si Ding hanggang isinagawa ang rapid chess tiebreaks.
Matapos ang panalo ay napaiyak pa ito at naging emosyonal na pinasalamatan ang mga fans.
Nagdiwang naman ang mga kababayan nito sa India kung san siya ang naging pang-18the world class champion at pangalawang world champion kasunod ni Viswanathan Anand.