-- Advertisements --
DAVAO CITY – Mahaharap sa kasong rape ang 18-anyos na binata matapos umanong nitong halayin ang kanyang 80-anyos na lola.
Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, nangyari ang insidente sa isang barangay sa Toril sa lungsod.
Kinumpirma rin ng kapitbahay ng biktima na ang apo mismo ang responsable sa panghahalay nito.
Sa kasalukuyan, nakakulong na ang suspek sa Toril PNP at naghihintay na lamang sa susunod na kautusan ng korte sa kaso na isasampa laban sa kanya.