-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kasong paglabag sa Art. 154 ng Revised Penal Code ang haharapin ng isang 18 anyos na lalaki dahil sa pagpapakalat nito ng “fake news” tungkol sa Davao City.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Regional Special Operations Group, Regional Intelligence Division (RID), Davao City Police Office, at Regional Anti-Cybercrime Unit, kinilala ang fake news purveyor na si Charles Japheth Lagradante Luzada,18 anyos, isang estudyante at residente ng Toril Davao City.

Si Lagradante ang itinuturing responsable sa pagpapakalat ng fake news at unverified information patungkol sa umanong hold-ups, kidnapping, at rape na nangyayari sa Davao City, Digos City, at Panabo City.