-- Advertisements --
Nagtala ng record ang 18-anyos na lalaki sa Nepal matapos na akyatin ang pinakatuktok ng Mount Everest.
Naabot ni Nima Rinji Sherpa ang 8,027 meter Shishapangma kasama ang partner nitong si Pasang Nurbu Sherpa.
Ang final 14 ng “8000ers” peaks ay kinikilala ng The International Climbing and Mountaineering Federation bilang may taas na 26,247 na talampakan above sea level.
Ang kaniyang achievement ay kinumpirma na rin ng Nepal Mountaineering Association.
Huling tao na nakagawa nito ay si Mingma Gyab “David” Sherpa na umabot sa lahat ng 14 bundok sa edad na 30 noong 2019 na naitala na rin sa Guinness World Records.
Nagsimula si Nima noong Setyembre 2022 kung saan naakyat nito ang 8,163 meters Manaslu.