-- Advertisements --
BGeneral Bernard Banac
Brig Gen. Bernard Banac/ FB image

Pumalo na 18 indibidwal ang mga naaresto dahil sa pagpapaputok ng baril, dalawang araw bago mag bagong taon.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac as of 6AM, nasa 18 na ang naaresto mula sa Regions 1, 2, 4a, 5, 6, 8, 9, 10, 11, 13, Bagsamoro Autonomous Region at NCR.

Pinakamaraming may naaresto sa NCR na may tatlo habang tig-2 naman sa Region 4A, 5, 10, 11, 12 at BARMM.

Sa nasabing bilang dalawa rito ang sundalo mula sa BARMM, dalawang security guard mula sa Region 11 at isang pulis mula sa Region 13.

Bilang resulta sa pagpapaputok ng baril nasa pito na ang bilang ng mga nasugatan, lima rito ay mula sa BARMM habang ang natitirang dalawa pa ay mula naman sa NCR.

Inihayag naman ni Banac na tatlo ang tinamaan ng ligaw na bala kung saan, dalawa mula sa Region 13 habang isa naman ang nagmula sa NCR.

Hinimok naman ni Banac ang publiko na agad ireport sa mga otoridad kung may mga kaso ng indiscriminate firing sa kani-kanilang mga lugar.

Todo paalala naman ang PNP na huwag gamitin ang mga baril bilang pagsalubong sa bagong taon.

Mahigpit din ang direktiba ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa sa mga pulis na huwag magpapaputok ng baril sa new year revelry.

stray bullet indiscriminate firing

Inihayag naman ni Banac na kasong criminal ang isasampa sa mga sibilyan na mahuhuling magpaputok ng baril.

Itinigil na rin ng PNP ang gun muzzling nuong 2016.

Paiiralin ng PNP ang one strike policy sa lahat ng mga police commanders sa sandaling magkakaroon ng kaso ng indiscriminate firing sa kanilang lugar.