-- Advertisements --

Inanunsiyo ng China Manned Space Engineering Office (CMSEO) na nakapili na sila ng 18 mga crew astronauts na siyang magiging bahagi ng apat na mission sa space station.

Ang misyon ay tatagal ng tatlo hanggang sa anim na buwan.

Sa ngayon sumasailalim na ang mga ito sa mission training.

Mangangasiwa sa kanilang pagsasanay ang beteranong mga astronauts na dati nang nakasama sa mga missions.

Sa ulat ng China Youth Daily ang 18 mga stand-by astronauts ay kinabibilangan ng isang babae, na kinuha mula sa ikatlong grupo ng mga na mga sinasanay din sa space flight project.

Sa nabanggit na bilang pito rito ang mga piloto, pito rin ang mga engineers at apat ang mga payload specialist.

Ang construction ng space station ay sinasabing matatapos sa taong 2022.