-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Naabo sa sunog ang 18 bahay sa Marawi City sa probinsya ng Lanao del Sur.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-BARMM, bigla na lamang nagliyab ang malaking apoy sa Barangay Tampilong, Marawi City.

Mabilis na nagresponde ang mga pamatay sunog ngunit hindi na naagapan pa dahil gawa sa kahoy o light materials ang mga kabahayan.

Wala namang nasaktan sa sunog ngunit 28 pamilya ang nawalan ng bahay.

Ang tanggapan ni Lanao del Sur Governor Soraya Alonto, city government at welfare ministry ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay kumikilos na para matugunan ang pangangailangan ng mga nasunugan.

Tumutulong na rin ang Marawi City Police sa Bureau of Fire Protection (BPF) para madetermina ang sanhi ng sunog.

Karamihan sa mga nasunugan ay kabilang sa naging biktima noon ng Mayo 26 hanggang Agosto 16,2017 na bakbakan ng militar laban sa pinagsanib na pwersa ng Maute terror group at Abu Sayyaf.