-- Advertisements --
Natagpuan ng mga otoridad ang 18 bangkay na nasunog sa naganap na wildfire sa Greece.
Ayon sa mga otoridad na maaring ang mga nasawi ay mga migrant.
Nakita ang mga ito sa Dadia forest sa Evros region ng north-eastern Greece na hindi kalayuan sa border nila ng Turkey.
Ang Dadia national park ay pinakamalaking kakahuyan sa north ng Alexandroupolis na nasunog noon pang nakaraang mga araw.
Sinabi naman ni Fire service spokesman Yiannis Artopios na maaring ang mga biktima ay iligal na pumasok sa lugar bago nangyari ang sunog.