-- Advertisements --
image 379

Nagkansela ng biyahe ang nasa apat na port management offices sa bansa sa gitna pa rin ng banta ng bagyong Betty.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Ports Authority na si Eunice Samonte na kanselado ang mga biyahe sa port management offices sa Western Leyte, Palawan, Bicol at Negros Occidental.

Sa kabuuan mayroong 18 biyahe ang kinansela nitong umaga ng Martes, Mayo 30.

Iniulat din ng opisyal na walang mga pasahero ang nastranded sa mga pantalan dahil maagang kinansela ng shipping lines ang kanilang mga biyahe.

Sinabi din ni Samonte na wala pang inaanunsiyo na reschedule sa mga nakanselang mga biyahe.

Samantala, ayon din sa opisyal, nasa 74 na pasahero naman ang nastranded sa may Northport terminal sa National Capital Region matapos makansela ang kanilang biyahe dahil sa technical problem.

Subalit inaasahang makakabiyahe na ang mga nastranded na pasahero mamayang ala-una ng hapon.