-- Advertisements --

Patay ang nasa halos 20 COVID patients matapos sumiklab ang panibagong sunog sa isang ospital sa may Western India.

Kung matatandaan, 13 COVID patients ang namatay sa nangyaring sunog sa intensive care unit ng isang COVID referral hospital sa Mumbai, India noong buwan lamang ng Marso.

Nagsimula ang sunog ala-una ng madaling araw ngayong Sabado sa isang COVID-19 ward sa may ground floor ng Bharuch Welfare Hospital sa Gujarat state.

Tinatayang 70 pasyente ang naka-admit sa naturang ospital kung saan 24 ang pasyente ang nasa ICU nang mangyari ang sunog.

Nasa maayos naman ng kalagayan ang iba pang pasyente na nailigtas sa naturang pangyayaring. (with reports from Bombo Everly Rico)