-- Advertisements --
Naantala ang 18 flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw matapos magkaaberya ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force sa may Taxiway ng paliparan.
Nasa runway na ang eroplano nang mangyari ang aberya sa system brake nito.
Lahat naman ng 34 na pasahero at 7 crew members na sakay ng C-130 ay ligtas matapos ang insidente.
Hinatak na ang C-130 aircraft mula sa taxiway patungo sa may Parking Bay 24 ng NAIA Terminal 1.
Habang nagsasagawa naman ng mopping operation sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng iba pang aircraft na gumagamit sa taxiway, nanatili namang bukas ang paliparan para sa international at domestic flights.