ZAMBOANGA CITY – Mabilis na umakyat ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Zamboanga.
Kamakailan lang ay may naiulat na 11 na kaso subalit kahapon ito’y nadagdagan pa ng 19.
Ito ay kinumpirma mismo ng City Health Office at sa Facebook page ni Mayor Beng Climaco sa lungsod.
Ang naturang kaso ng COVID-19 ay umabot na sa 30.
Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, ang nasabing 19 na dagdag ay nagmula sa Zamboanga City Jail.
Sa naturang bilang, 18 dito ang inmates at ang isa naman ay isang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) personnel.
Ang 19 na latest results ay initial outcome tests pa lamang ito.
Kung maalala noong April 27 at 30, mayroong total na 119 specimens mula sa City Reformatory Center ang dinala sa St. Luke’s Medical Center sa pamamagitan ng City Health office na siyang kumukolekta ng samples.
Sa total na 119 specimens, nagpositibo sa naturang sakit ang nasabing labing siyam.
Subalit, ayon pa sa Task Force COVID-19 Zamboanga, aasahan umano na lolobo pa ang kaso ng COVID-19 sa Zamboanga sa darating na mga araw.
Samantala, pinaghihiwalay na ang mga 18 inmates na nagpositibo sa nasabing sakit sa mga kapwa nito persons deprived of liberty (PDLs).
Nagpaalala din ang Task Force COVID-19 sa mga residente sa Zamboanga na manatiling nasa bahay at sundin ang ECQ guidelines.