-- Advertisements --
Patay ang nasa 18 katao kabilang ang pitong bata matapos ang pananalasa ng baha sa Sao Paulo, Brazil.
Aabot rin sa 500 katao ang nawalan din ng tahanan matapos matabunan ng mga gumuhong lupa.
Nagtulong-tulong na ang mga sundalo at bombero ganon din ang mga civil defense personnel para magsagawa ng rescue.
Sinabi ni Sao Paulo Governor Joao Doria na mayroon na silang inilaan na nasa $2.8 milyon para sa mga bayan na apektado ng malawakang pagbaha.