-- Advertisements --

Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi sa isang stampede sa isang istasyon ng tren sa India, New Delhi, noong Sabado ng hapon, Pebrero 15, nang magtulakan ang mga tao na makasakay sa mga tren patungo sa pinakamalaking festival sa mundo na Kumbh Mela.

Ginaganap ito tuwing 12 taon sa Prayagraj, na umaakit ng milyun-milyong mga debotong Hindu.

Ayon sa mga ulat ng awtoridad, ang stampede ay naganap nang magpumilit ang mga deboto na makasakay sa mga tren patungo sa naturang pista, na magtatapos sa Pebrero 26.

Inilarawan ng mga local authorities na ang eksena ay pinaka-mapanganib na nangyari sa istasyon kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ayon naman kay Dr. Ritu Saxena, Deputy Medical Superintendent ng Lok Nayak Hospital sa New Delhi, 15 katao ang nakumpirma nang nasawi sa ospital.

‘They don’t have any open injury. Most (likely died from) hypoxia or maybe some blunt injury, but that would only be confirmed after an autopsy,’ pahayag ni Saxena. Habang mayroon namang 11 iba pa na nasaktan, ngunit karamihan sa kanila ay may malalang kalagayan at ang iba ay nakaranas ng orthopedic.

Samantala tatlo ang karagdagang iniulat na nasawi. Karamihan sa mga biktima ay mga kababaihan at bata na naipit sa siksikan.

Ayon pa sa isang porter na nagtatrabaho sa istasyon ng tren mula pa noong 1981, hindi pa niya naranasan ang ganitong siksikan. ‘People started colliding and fell on the escalator and stairs when the platform for a special train departing for Prayagraj was suddenly shifted,’ pahayag nito sa lokal news.

Sinabi naman ni Railways Minister Ashwini Vaishnaw na isang imbestigasyon ang kanilang isinasagawa upang alamin ang mga sanhi ng aksidente. Pinagtibay niya na ang mga karagdagang tren ay ilalabas na mula sa New Delhi upang mapawi ang dami ng mga pasahero partikular na sa araw ng festival.

Nagpahayag naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si Prime Minister Narendra Modi hinggil sa nangyaring trahedya.

Inutusan naman ni New Delhi Governor Vinai Kumar Saxena, ang disaster management personnel na mag-deploy at tiyakin na ang mga ospital ay handa upang tumugon sa mga pangangailangan ng publiko.

Ang Kumbh Mela ay ginaganap tuwing anim na linggong pagtitipon, na may mahigit 500 milyong deboto na dumadalo
mula nang magsimula ito noong nakaraang buwan. Hindi naman maikakaila na ang naturang kaganapan ay may kasaysayan ng mga insidenteng may kinalaman sa malalaking stampede, kabilang noong 1954 kung saan mahigit 400 katao ang namatay, at isa pa noong 2013 na ikinasawi ng 36 katao.