-- Advertisements --

Aabot sa 18 kilo na cocaine ang nakumpiska ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang babae na patungo sa Ethiopia.

Ayon sa PDEA, nakita nila sa scanner ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasabing droga na nakasilid sa maleta ng suspek.

Itinanggi ng suspek na pag-aari niya ang nasabing maleta.

Sinabi nito na may isang Chinese national na nakilala niya sa social media ang nagsabing bibigyan siya ng P100,000 para dalhin ang maleta sa Ethopia.

Nagulat na lamang ang suspek ng palitang bigla ang kaniyang maleta.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa nasabing suspek.