Pumalo raw sa 18 mga local government officials ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na nasawi at nasugatan sa pananambang ngayong taon.
Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Benigno Durana, ang datos ay base sa resulta sa naging pagpupulong ng Special Task Force-2019 midterm elections nitong nakalipas na Nobyembre 7.
Nakapagtala na raw sila ng apat na barangay captain; isang barangay councilor; isang city board member; limang city mayors; apat na municipal mayors at tatlong vice mayor na naging sugatan at namatay.
Ang nasabing datos ay mula buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Nobyembre.
Depensa naman ni Durana na ang nasabing datos ay hindi nakakaalarma pero isa pa rin itong security concern ng PNP.
Kaya naman, puspusan umano ang kanilang mga paghahanda ngayon para matiyak na magiging maayos at payapa ang gagawing halalan sa susunod na taon.