Iniulat ng state weather bureau na aabot sa 18 mga lugar sa bansa ang makakaranas ng dangerous heat index ngayong araw nang dahil sa nararanasan matinding init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon.
Sa ulat, tinatayang papalo mula 42 degrees Celsius hanggang 45 degrees Celsius ang posibleng maramdaman ngayong araw.
Inaasahang maramdaman ang nasa 45 degrees Celsius sa Aborlan, Palawan.
Habang nasa 44 degrees Celsius naman ang inaasahang maitatala sa Dagupan City, Pangasinan; Puerto Princesa City, Palawan.
Tinatayang aabot naman sa 43 degrees Celsius ang mararamdamdan sa Catarman, Northern Samar; Tuguegarao City, Cagayan; ISU Echague, Isable; Ambulong, Tanauan, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; at Guiuan, Eastern Samar.
Habang sa MMSY, Batac, Ilocos Norte; Bacnotan, La Union; Aparri, Cagayan; Sangley Point, Cavite; Coron, Palawan; Virac, Catanduanes; at Roxas City, Capiz ay mararamdamdan ang init ng panahon na aabot sa 42 degrees celsius.
Samantala, ngayong araw din ay iniulat ng naturang state weather bureau na mararamdamdan ang bahagyang mas mababang heat index sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City na aabot lamang sa 39 degrees celsius, habang nasa 40 degrees Celsius naman ang inaasahang maitatala sa Science Garden, Quezon City.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin naman na inabisuhan ng mga kinauukulan ang publiko na palaging magdala ng pananggalan sa init, at uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang mga sakit na maaaring idulot ng matinding init ng panahon.