-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na umaabot na sa 18 mga paliparan sa bansa ang binuksan na rin para makabiyahe ang mga commercial flights.
Ayon sa CAAP ang pagbubukas ng 18 airports ay depende sa pagpayag ng mga Local Government Units (LGUs) para sa commercial operation.
“Some airports, while allowing commercial flights, are subject to different documentary and passenger LGU restrictions,” bahagi ng abiso ng CAAP. “Note that this list is subject to change daily, depending on coordination and conditions imposed by LGUs.”