Dead on the spot ang 18 migrant workers habang 10 naman ang sugatan matapos salpukin ng isang humaharurot na truck ang nakaparadang bus sa India.
Nangyari ang aksidente sa Ayodhya-lucknow highway malapit sa Ram Sanehi Police Station sa Barabanki district, Uttar Pradesh, India.
Ayon kay Barabanki police station Superintendent Yamuna Prasad, nasiraan ang bus dahil overloading ito lulan ang nasa 140 katao na pawang mga laborers.
Sinabi ng kapulisan, nakaistasyon noon ang naturang bus matapos na masiraan sa national highway nang bigla namang salpukin ito ng humaharurot na truck mula sa likurang bahagi na nagresulta ng pag-andar ng bus at nasagasaan ang mga laborers na natutulog noon sa kalsada.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng pakikiramay si Prime Minister Narendra Modi sa naulilang pamilya ng mga nasawing laborers sa insidente at nangakong bibigyan ng 200,000 rupees o $2,686 bilang compensation para sa pamilya ng mga biktima habang 50,000 rupees naman para sa mga nasugatan sa insidente.