Aabot na sa 18 mga fire volunteer ang nagtamo ng sugat dahil sa pag-apula sa nasusunog na apat na palapag na bodega sa Tondo, Manila.
Kinabibilangan ito ng 14 na kalalakihan at a pat na babae na pawang mula sa iba’t-ibang fire volunteer group.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nagtamo ng mga first hanggand second degree superficial burns na kadalasan sa kanilang mga kamay at mukha.
Nagkasugat umano ang iba ng may biglang sumabog sa ikalawang palapag ng gusali na matatagpuan sa Guidote Street sa Balut, Tondo.
Dinala na sa pagamutan ang nasabing mga fire volunteer.
Nagsimula ang nasabing sunod dakong 7:51 ng gabi nitong Huwebes kung saan mahigit 24 na oras ay hindi pa ito tuluyang naapula.
Nahirapan ang mga bumbero na pumasok dahil sa iisa lamang ang pinto na papasok sa gusali.
Nagawa lamang tumakas ang mga stay-in na empleyado matapos na pagdugtungin ang mga damit at ilang tela para sila ay makababa.