Palaisipan pa rin ngayon sa mga eksperto sa Estados Unidos ang pagkamatay ng 18 katao na mula sa misteryosong sakit na may kinalaman sa severe lung illness.
Una rito, may hinala ang mga US health officials na may kinalaman ang e-cigarettes at iba pang vaping product sa pagdapo ng lung illness.
Sa ngayon lomobo na sa 1,080 ang mga kaso na naitala sa 48 estado sa Amerika mula sa 805 kaso lamang nitong nakalipas na linggo.
Agad namang nilinaw ni Dr. Anne Schuchat, ang principal deputy director ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na ang outbreak ay hindi naman daw nangangahulugan na nag-peak na ang bilang ng mga kaso.
Sinasabing ang dagdag na 275 na kaso ngayong linggo ay makaraang itaas ng CDC ang alarma sa naturang sakit noong nakaraang buwan.
Puspusan naman ang panawagan ng US Centers for Disease Control and Prevention sa kanilang mamamayan na kung maaari itigil muna ang paggamit ng vape o mag-vaping hangga’t hindi pa natutukoy ang eksaktong sakit na ikinamatay ng 18 katao.
“I cannot stress enough the seriousness of these injuries. This is a critical issue. We need to take steps to prevent additional cases,” ani Schuchat.
Kinumpirma naman ni Judy McMeekin, isang opisyal ng US Food and Drug Administration, na nakakolekta na ang kanilang ahensiya ng 440 vaping products samples mula sa 18 mga estado upang isailalim sa mabusising pag-aaral.
Sa ulat ng CDC ang lima pang mga estado na nakapagtala na merong namatay mula sa “vaping-related injuries” na nagpadagdag sa kabuuang 15 states dahil sa naturang outbreak.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala na ay ang Alabama, California, Delaware, Florida, Georgia, Illinois, Indiana, Kansas, Minnesota, Mississippi, Missouri, Nebraska, New Jersey, Oregon at Virginia.
Ang average age sa mga namatay ay halos nasa edad 50, at ang pinakabata ay sa pagitan ng 20-anyos at ang pinakamatanda ay nasa ’70s.
“All patients have reported a history of using e-cigarette, or vaping, products,” bahagi pa ng paliwanag ng CDC. “While this investigation is ongoing, CDC recommends that you consider refraining from using e-cigarette, or vaping, products, particularly those containing THC. If you are an adult who used e-cigarettes containing nicotine to quit cigarette smoking, do not return to smoking cigarettes.”
“Patients in this investigation have reported symptoms such as: cough, shortness of breath, or chest pain nausea, vomiting, or diarrhea fatigue, fever, or abdominal pain. Some patients have reported that their symptoms developed over a few days, while others have reported that their symptoms developed over several weeks. A lung infection does not appear to be causing the symptoms.”