-- Advertisements --

Nasa 18 katao ang nasawi sa naganap na airstrikes sa iba’t-ibang pasilidad sa Syria.

Mayroong 37 katao rin ang sugatan na dinala na ang mga ito sa iba’t-ibang pagamutan.

Ayon sa mga otoridad na nakarinig sila ng magkakasunog na pagsabog sa central Tartous at Hama governorates.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad sa Syria na ang mga Israel Defense Forces ang nasa likod ng airstrike subalit hindi pa nila ito kinukumpirma.