Pumalo na sa 18 katao ang nasawi matapos ang ginawang airstrike ng Israel sa isang residential area sa Beirut ang kapital ng Lebanon.
Ayon sa mga otoridad na nasa 92 naman ang sugatan na itinakbo na ang mga ito sa pagamutan.
Karamihan sa mga naninirahan sa lugar umano ay mga Shia Muslims na iniuugnay ng Israel sa mga Hezbollah.
Inaasahan pa ng mga otoridad na maaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa matinding pinsalang natamo ng mga biktima sa lugar.
Naglabas naman ng evacuation order ang Israel Defense Forces sa mga residente ng Haret Hreik sa southern Beirut.
Ayon sa Israel military na sa mga susunod na araw ay kanilang lulusubin ang lugar lalo na sa mga pasilidad na pinapatakbo ng Hezbollah.
Una ng sinabi ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi sila titigil sa pag-atake sa kuta ng mga Hezbollah sa Lebanon bilang pagganti sa ginawa ng mga ito sa kanila.