-- Advertisements --
LA UNION – Nadagdagan pa ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakauwi na sa mga probinsiya lalo na sa Region 1 matapos na maapektuhan ang kanilang trabaho dahil sa COVID-19 crisis.
Sa ilalim ng “Hatid Sundo” Operations ng OWWA Region 1, mayroon nang kabuuang 318 na mga Pinoy workers abroad ang nakabalik na sa rehiyon uno.
Mula sa nasabing bilang, 170 sa Pangasinan, 66 sa La Union, 24 sa Ilocos Sur, 51 sa Ilocos Norte at pito sa iba pang lalawigan.
Kaagapay ng OWWA sa naturang programa ang PNP, PCG, OCD, at mga LGUs.
Ang mga OFW na nakabalik na sa kanilang pamilya ay ang mga nakakumpleto na ng 14-days quarantine bilang protocol at nabigyan ng certification na sila’y COVID negative.