-- Advertisements --

Umabot na sa 18 mga panukalang batas ang inaprubahan sa final reading ng House of Representatives ilang araw bago ang gagawin nilang recess para magbigay daan sa nalalapit na halalan.

Ilan sa mga naaprubahan sa huling pagbasa ay ang panukalaang Magna Carta ng mga Barangay Health Workers na nagbibigay ng patuloy na benepisyo sa lahat ng mga medical workers tuwing public health emergencies.

Sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na mahalaga ang pag-apruba ng mga panukalang batas na nasa final reading na bago ang kanilang pag-uwi sa kanilang mga distrito.

Magsasagawa ang mga ito ng isa pang session sa Pebrero 2 bago mag-adjourn para sa election period na magsisimula sa Pebrero 8.