-- Advertisements --

Kinumpirma ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na nasa 18 katao ang napatay habang nasa mahigit 100 naman ang sugatan sa pag-atake ng Russian forces sa nakalipas na apat na araw sa Kharkiv.

Sinabi ni Zelensky sa kaniyang address na tuluy-tuloy ang pag-atake ng Russia sa Kharkiv na target ang ordinary residential quarters at ordinaryong mamamayan ng kanilang lugar

Ayon naman kay regional director Oleh Synyehubov, nasa limang katao at 20 ang sugata nang tumama ang missile at artillery fire sa city center at Saltivka suburb nitong linggo.

Kaugnay din nito matagumpay naman na-counter attack ng Armed Forces ng Ukraine ang pag-atake sa Kharkiv region at ganap na nabawi ang dalawang village habang bahagya naman ang isa pa.