-- Advertisements --
Nasa 18 katao ang patay sa naganap na pananambang sa government convoy sa north-east Nigeria.
Ayon sa Nigerian military, kasamang nasawi ang apat na sundalo, 10 police officers at apat na sibilyan.
Itinuturong nasa likod ng insidente ay ang Islamist group na siyang umako sa insidente.
Gumamit ang mga suspek ng improvised explosive devices (IED) na inilagay sa kalsada sa bayan ng Monguno sa bayan ng Baga.
Nagsasagawa na ang mga otoridad ng pagtutugis sa mga nasa likod ng insidente.