-- Advertisements --
Nasa 18 na namang mga Pilipinong nasa abroad ang panibagong kinapitan ng deadly virus.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sa ngayon ang kabuuang mga nadapauan ng virus ay umakyat na sa 10,113.
Nananatili naman ang death toll sa 757 matapos na walang maitalang bagong nasawi.
Sa ngayon meron pa umanong nasa 3,081 ang nagpapagamot pa sa COVID-19 sa ibayong dagat.
Samantala, nakapagtala na rin ng mga overseas Filipinos na nakarekober sa COVID na umaabot sa 6,275.
Habang may 55 rin ang napaulat na bagong gumaling sa coronaavirus.