Nasa 18 mga tauhan ng PNP ang bagong nagpositibo sa drug test. Ito ay bahagi ng internal cleansing ng PNP.
Sakop nito ang petsang January 1 hanggang Feb. 20, 2021.
Ayon sa PNP Crime Lab, 17 sa naturang bilang mga police officer habang 1 naman ang Non Uniformed Personnel.
Sa kabuuan, nasa 80, 507 na mga PNP personnel ang sumalang sa drug test.
Isinagawa ito hindi lang sa National Headquarters kundi pati
sa ibat ibang police regional offices sa buong bansa.
Sa ngayon, sumasalang na sa imbestigasyon ang mga tauhan ng
PNP.
Nanganganib din silang masibak sa serbisyo.
Pinasisiguro naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na masisibak sa serbisyo ang mga pulis na positibong gumagamit ng iligal na droga.
Ipinag-utos na ni Sinas ang pre-charge investigation and summary dismissal proceedings laban sa mga nasabing pulis.
Mahigpit din ang direktiba ni Sinas sa mga regional police director na palagiang maglunsad ng random drug testing sa kanilang areas of responsibility.