-- Advertisements --

Nasa 18 protesters ang sugatan matapos na paulanana sila ng water cannon at teargas ng mga kapulisan sa Thailand.

Naganap ang insidente sa harap ng paliament building.

Nagtungo doon ang mga protesters para hikayatin ang mga mambabatas sa pagpapalit ng konstitusyon.

Nais din ng mga ito na matanggal si Prime Minister Prayuth Chan-ocha at matanggal ang kapangyarihan ni Maha Vajiralongkorn.

Dahil sa pagiging agresibo na ng mga protesters kung saan pilit ng tumawid ang mga ito sa nakaharang na barriers kaya napilitan ang mga kapulisan na paulanan sila ng water cannon at tear gas.

Dumepensa naman ang tagapagsalita ng gobyerno na si Anucha Burapachaisri na obligado ang mga kapulisan na panatilihin ang kapayapaan sa parliamento.