-- Advertisements --
Sugatan ang nasa 18 marino matapos ang naganap na pagsabog sa isang Navy ship sa San Diego.
Ayon sa San Diego Fire-Rescue Department, sumiklab ang sunog sa USS Bonhomme Richard.
Agad na dinala ang mga marino sa iba’t-ibang pagamutan sa lugar.
Mayroon kasing kabuuang 160 na marino ang nakatalaga sa nasabing barko.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng pagkakasunog sa barko.