-- Advertisements --
Ligtas at nasa Iran na ang 18 Pilipinong tripolante ng oil tanker na inagaw ng Iranian Navy sa Gulf of Oman.
Patuloy ang koordinasyon ng Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs sa Iran para sa paglaya ng mga pinoy.
Ayon sa DMW, hawak na ng Iranian authorities ang mga pinoy crew ng American tanker na St. Nicolas.
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang ahensya sa pamilya ng mga tripolante