Sinabi ng Russia na tinatayang nasa 180 na mga foreign mercenaries ang nasawi habang nasira naman ang maraming armas na nagmula pa sa ibang bansa ang naging resulta ng ginawang pag-atake ng Russia sa Yavoriv training facility sa kanlurang bahagi ng nito.
Ayon pa kay Defense ministry spokesperson Igor Konashenkov, gumamit ng high-precision, at long-range weapons ang tropa ng Russia para sa salakayin ang Yavoriv at ang bukod pa na pasilidad sa isang nayon sa Starichi, na pareho aniyang ginagamit bilang base para sa pagsasanay ng mga dayuhang mersenaryo, at pinag-iimbakan din ng mga armas.
Nakatakda pa aniyang magpatuloy ang mga pag-atake ng Russia laban sa mga ito.
Samantala, sa bukod naman na pahayag ay sinabi ni Ukrainian regional governor Maksym Kozytskyy na dahil dito ay nasawi ang 35 katao habang nasa 134 naman ang sugatan.