-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ipinapaubaya na ng Civil Service Commission kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang pagsibak sa tungkulin sa mga empleyado ng Iloilo City Hall na utak sa pagsasagawa ng pekeng civil wedding.
Napag-alaman na umaabot sa 180 ang nabulgar na pekeng kasal kung saan ang itinututong utak at si Mr. Juncae Manikan, pinuno ng Local Civil Registry at nagsisilbi namang bagman si Joe Marie Esteral.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nelson Sarmiento, regional director ng Civil Service Commission Region 6, sinabi nito na may kapangyarihan ang alkalde sa pagsibak sa tungkulin ng empleyado na naugnay sa katiwalian.
Si Esteral ay sinibak na ng alkalde dahil sa kasong Gross Insubordination, Grave Misconduct at Gross Neglect of Duty.