-- Advertisements --
fishing boats fishermen shoreline

Ikinaalarma ng grupo ng mangingisda ang nasa 180 proposed at nagpapatuloy na reclamation projects sa territorial waters ng Pilipinas.

Base sa master list ng aprubado, nakabinbin at nagpapatuloy dump and fill ventures ng Philippine Reclamation Authority, mayroong kabuuang 187 reclamation projects sa buong archipelago.

May 30 proyekto ay sa Manila Bay habang 19 proyekto ay naitala sa Negros Occidental, 15 sa Panay island, 19 sa cebu at Bohol at 25 sa Eastern Visayas.

Ilan pa sa mga nakatakdang iimplementa na mga proyekto ay ang Navotas City Coastal Bay Reclamation and Development Project, ang Manila Waterfront City Reclamation Project, at ang Bacoor Reclamation and Development Project.

Mariin na tinututulan ng mga mangingisda ang naturang reclamation project dahil ayon kay PAMALAKAYA national spokesperson Ronnel Arambulo, makakasira ito at banta sa marine biodiversity at sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda.

Bukod dito, mababawasan ang fish populations dahil sa kawalan ng breeding grounds at magagambala din ang wetlands at mangrove forests dahil sa reclamation projects.

Magreresulta din aniya sa pagbaha, land subsidence at liquefaction ang large-scale dump and fill projects.