Tinatayang aabot pa rin sa higit 18,000 na mga pamilya ang nananatiling apektado ng Shear Line sa bansa at ang mga ito ay kasalukuyang nanunuluyan sa mga itinalagang evacuation centers.
Ang malaking bilang na ito ay kasundo pa rin ng mga nangyayaring mga pag-ulan dulot ng umiiral na weather system.
Batay sa kabuuang datos ng Department of Social Welfare and Development, mayroong 18,343 o katumbas ng 76,000 ang nasa evacuation center.
Aabot naman sa 7,000 pamilya ang nanunuluyan ngayon sa kanilang mga kamag-anak.
Dahil naman sa masamang panahon, sumampa na sa 58 kabahayan ang nasira dahil sa mga pag-ulan na dulot ng shear line habang 251 naman ang iniulat ng ahensya na bahagyang nasira.
Sa ngayon ay pumalo na sa higit ₱93-milyong halaga ng assistance sa mga apektadong LGU ang naipamahagi ng DSWD.
Tiniyak rin ng ahensya na tuloy-tuloy ang kanilang paghahatid ng tulong partikular na ang mga relief operations.
Una ng siniguro ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang kanilang ahensya ay mayroong sapat na pondo at stockpiles ng mga pagkain na naka standby para sa mga evacuees.