Nakatanggap na ang nasa 180,000 benepisyaryo na Public utility vehicle (PUV) drivers at operators ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naturang bilang ay nagpapakita ng 68,18% ng 264,000 PUV drivers at operators na kwalipikado sa naturang programa upang maibsan ang pasanin ng piblic transport sector dahil sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at pangunahing bilihin.
Sinabi ni LTFRB executive director Ma. Kristina Cassion na kanilang sisikaping matapos ang pamamahagi ng fuel subsidy sa ikalawang linggo ng kasalukuyang buwan.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P6,500 fuel subsidy.
Samantala, pinoproseso na rin aniya ng LTFRB ang fuel subsidies para sa 27,777 delivery riders.