Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes, Peb. 28, ang 182 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang piitan sa bansa.
Sa bilang na ito, 144 ang mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, pito mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, 7 mula sa Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog, 14 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan, 9 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga, at 1 naman mula sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF).
Dahil dito, umabot na sa 793 ang kabuuang bilang ng mga pinalayang PDLs ngayong Pebrero. Simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kanuuan nasa 19,740 na ang napalaya mula sa mga pasilidad ng BuCor.
Sa isang programa sa BuCor headquarters sa Muntinlupa, hinimok ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Deo L. Marco ang mga pinalaya na patunayan sa lipunan na kaya nilang magbago.
Ani Marco, ‘Lahat ng pagsubok at aral na pinagdaanan ninyo’, ay magdadala aniya sa sandaling ito.
Dagdag pa niya, inaasahan nilang magiging produktibo ang mga pinalaya na PDLs sa kanilang pagbabalik sa komunidad at makatutulong sa bayan.