-- Advertisements --

Muli na namang nabasag ang record sa dami ng mga naitatalang dagdag na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa kada araw.

Ito ay makaraang kumpirmahin ngayon ng Department of Health (DOH) ang panibagong naitala na 18,332 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang dating highest single day record ay noong August 20 na nasa 17,231.

Kaugnay nito, ang kabuuang kaso ng COVID sa bansa ay umabot na sa 1,857,646 mula noong nakaraang taon.

latest covid

Lalo namang lomobo ngayon ang bilang ng mga pasyente sa bansa o aktibong kaso na nasa 130,350. Pinakamataas ito mula noong April 19.

Ito ay sa kabila na merong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala mayroon namang naitalang 13,794 na mga bagong gumaling.

Sa kabuuan ang mga nakarekober na sa bansa ay nasa 91.3% o 1,695,335.

Gayunman merong bagong mga pumanaw na umaabot sa 151.

Ang death toll ngayon sa bansa mula noong nakaraang taon dahil sa deadly virus ay sumampa na sa bilang na 31,961.

“321 duplicates were removed from the total case count. Of these, 316 are recoveries. Moreover, 68 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng DOH advisory. “All labs were operational on August 21, 2021 while 3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 3 non-reporting labs contribute, on average, 0.2% of samples tested and 0.5% of positive individuals.”