Iniulat ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umaabot na sa 187,000 pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang naalis na.
Nagpaliwanag naman si DWSD spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na ang naturang bilang ay maituturing na graduate na bilang “non-poor.”
Lumalabas din na ang ilan sa mga bata sa listahan ay graduated na o umabot na sa higit 18-anyos at boluntaryong nag-waive sa kanilang mga slots bilang mga benipisaryo.
Sa kabila nito ayon kay Asec. Lopez magpapatuloy pa rin ang evaluation sa 4Ps National Program Management Office (NPMO) ito ay sa gitna na rin ng direktiba ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na pabilisin ang paglilinis sa listahan ng 4Ps.
Inaasahan din na lahat na mga munisipyo at siyudad ay makapagsumite ng status ng living conditions sa mga assigned household-beneficiaries.
Target ng delisting sa mga binepisaryo na graduated na ay sa buwan ng oktubre.